Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gusali sa India nagliyab, 26 utas

0 25

Nasawi ang 26 katao matapos masunog ang apat na palapag ng isang gusali sa New Delhi, India.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng building kung saan nandoon ang bentahan ng mga surveillance camera.

Agad na kumalat ang apoy hanggang abutin ang ikaapat na palapag.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang 12 pang nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang napinsala.

Leave A Reply

Your email address will not be published.