Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gusali ng Pagasa bitak-bitak sa lindol

0 146

Nasira ang weather station ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Hinatuan, Surigao del Sur matapos yanigin ng magnitude 6.0 na lindol ang probinsya kamakalawa.

“Ang pinakamalaking damage dito sa Pagasa weather station sa Hinatuan, na ‘yung buong building nag-crack, kaya pinapa-inspeksyon pa namin kung puwede pa ‘yan magamit kasi baka delikado na,” sabi ni Governor Alexander Pimentel sa ulat sa telebisyon kahapon.

SM food to go Banner Ad

Dagdag niya, napinsala rin ng pagyanig ang Gaisano Mall sa Bislig, ilang gym sa Hinatuan at maraming elementary school building sa lalawigan.

Sa ngayon, wala aniyang naitalang namatay dahil sa nasabing lindol. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.