Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Guro pinasinghot paa sa estudyante, sibak

0 98

Tinanggal na sa kanyang posisyon ang isang guro ng mga kindergarten matapos nitong i-post ang ginawang pagpapaamoy ng kanyang paa sa mga estudyante.

Sa ulat ng South China Morning Post, kinilala ang guro na si Liu. Pinakalat nito sa WeChat ang ginawa niyang pamamahiya sa mga estudyante, at pinaliwanag na ginagawa niya umano ito bilang training para sa ‘masochism’.

Si Liu ay nagtrabaho sa RYB Education sa siyudad ng Ruijin, parte ng southeast China.

SM food to go Banner Ad

Makikita sa mga larawan ang paghawak ng isang bata sa paa ni Liu habang dikit ang ilong nito sa talampakan ng guro.

Nang matanong ang mga estudyante, sinabi nila na inamoy muna raw ni Liu ang kanyang sariling paa bago ito pagawin sa mga bata.

Nasa kustodiya na ng pulis si Liu, habang pinag-utos naman ng gobyerno sa Ruijin na sibakin ang naturang guro. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.