Una sa Balita

Guro kinalampag vs fake news

By
0 29

Umapela ang isang paring Katoliko sa mga guro na tumulong sa paggabay sa mga kabataan sa pagsala ng mga fake news o maling impormasyon na nagkalat ngayon sa social media at mga balita.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY), makabubuti para sa mga kabataan kung sila ay matuturuan ng mga guro sa pagsipat ng mga balitang naglalaman ng maling impormasyon.

Malaki umano ang impluwensya ng mga guro para ang mga kabataan ay maging kritikal at hindi mabilis na maniniwala sa mga nababasa, napapanood at naririnig.

Abante Hiring – IT dep

“Marami po sa atin sa Pilipinas ang mayroong access to means, tool to access technology not to be swayed to believe immediately news that will compromise national security, privacy and security of individual person or group dapat maging responsable ang mga naglalabas ng ba­lita at meron ding pag-ii­ngat ‘yung mga nakababasa at nakaririnig ng balita,” saad ni Fr. Garganta.

Kung magiging mapanuri umano ang mga kabataan, maiiwasang maipasa o maikalat ang mga fake news.

Matatandaan na kamakailan lamang, maging ang Santo Papa ay nagpasya na ring manindigan laban sa paglaganap ng fake news at katunayan, ito pa ang napili niyang tema para sa World Communications Day 2018 na gaganapin sa May 13, 2018.