Una sa Balita

Gunrunner timbog sa buy-bust

0 350

NASABAT ang isang dosenang malalakas na kalibre ng baril na pawang walang lisensya, mula sa nadakip na miyembro ng gunrunning group sa Danao City, Cebu kamakalawa.

Kalaboso ang suspek na si Renato Flores Ramonida alyas JR, miyembro ng ‘NABI Group’, sa ikinasang buy-bust ope­ration ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Guinsay, Danao City alas-3:30 ng hapon.

Nakumpiska kay Ramonida ang dala­wang KG9 Machine pistol; anim na kalibre ng .45 baril; at apat na 9 mm pistol gayundin ang mga bala at magazine ng mga ito.

Isang poseur buyer ang bumili ng da­lawang baril sa suspek, nang magkapalitan ng pera at iniskor na baril ay dito na inaresto si Ramonida.
Lumalabas din sa nakuhang impormasyon ng CIDG 7 na bagong tatag na sindikato ng gun for hire at iligal na droga ang NABI group na nag-o-operate sa probinsya ng Cebu.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek habang nakapiit ito sa CIDG 7 detention cell. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy