Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gunitain: Mga kuwentong bayan, panalong Pamaskong handog

0 88

Pinagpala ang Pilipinas nating mahal dahil meron tayong natatanging kultura. Pasasalamat sa ating mga ninuno, meron tayong mga kwento, sining at mga likhang sining na tunay na nakatulong upang pagyamanin ang ating pagkakakilanlan at kung ano-ano ang dapat nating ipagmalaki sa ating kulturang Pilipino.

Bilang pagbibigay pugay sa ating mga kwentong bayan, kaugalian at tradisyong sariling atin, ang Serious Studios, isang independent brand consultant ay inulansad ang zine na Gunitain: A Filipino Folktale Library. Katuwang nila sa proyekto ang local risograph press atd design studio Bad Student, ang ginawa ng Serious Studio ay pinagsama-ang mga kwentong bayan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at sa bawa’t isang k kwento, inakma ang mga disenyo para dito na alinsunod at umaayon sa pinagmulan nito.

Pahayag mula sa Serious Studio website: “Gunitain seeks to use design to shed light on, honor, and preserve the beauty inherent to the many cultures that keep our identity alive.”

SM food to go Banner Ad

Ang mga kwentong bayan mababasa sa Gunitain ay hango sa Mabel Cook Cole‘s 1916 Philippine Folk Tales, na isinalin sa wikang Ingles at Tagalog. Ilang halimbawa ng mga ispesyal na kwentong mababasa rito ay mula sa mga Ifuago, ang “Lumawig and the World,” galing naman sa kwentong bayan sa Bukidnon ang “How the Moon and Stars Came to Be,” mula sa Kabisayaan, ang “The Battle of the Crabs and the Waves,” at marami pang iba.

Ang mas panalo pa rito, maliban na magandang Pamaskong handog ang zine para sa mga kabataan at sa lahat na may natural na pagkamausisa at pagnanais na madagdag ang mga kaalaman sa ating mga endemikong kwento, lahat ng kikitain ng zine ay ibabahagi sa People for Accountable Governance and Sustainable Action (PAGASA) upang masuportahan ang mga pamayanang katutubong kultural ng Aetas sa Zambales at Pampanga, Lumad sa Mindanao, at ang mga manghahabi na ang inspirasyon ay kanilang mga panaginip, ang mga T’boli sa Lake Sebu.

Mabibili ang kwentong bayan zine sa halagang P750. Maari na ring mag=pre order nito sa kasalukuyan hanggang sa katapusan ng Nobyembre. Maari ring mai-download ang buong aklatan sa anumang halaga.

Para sa iba pang katunangan at iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang Serious Studio.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.