Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gun for hire kumasa sa pulis, todas

0 810

Patay ang isang umano’y gunrunner matapos na makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang operasyon sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing suspek na si Ricky Lantaca, residente ng Tangub City ng nabatid na lalawigan, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan. Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente alas-7:20 Linggo ng gabi sa isang police checkpoint sa Purok Salingsing, Brgy. Balintawak.

Isang impormasyon ang natanggap ng Pagadian City Police hinggil sa isang lalaki na kahina-hinala ang kilos na umaaligid sa nasabing barangay kaya agad silang rumesponde upang magsagawa ng operasyon at agad nagkasa ng checkpoint.

Doon nila nakita ang suspek na naglalakad at nang sitahin ito ng pulisya upang kapkapan ay agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Nakuha namang makaganti ng putok ng pulisya dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek.

Base sa nakuhang impormasyon sa pulisya, ang suspek na si Lantaca ay isang gun for hire personality at isa din sa mga person of interest sa naganap na robbery with homicide gayundin sa iba’t ibang kaso ng carnapping/motornapping sa lungsod.

Nakuha sa nasawing suspek ang isang kalibre .45 baril, mga bala at magazine nito. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.