Una sa Balita

Gun for hire group nalansag sa Batangas

By
0 711

NABUWAG na ng pulisya­ ang notoryosong­ Bantugon gun for hire group na responsable sa pagkamatay ng ilang politiko sa Batangas dahil sa pagkakahuli sa isa sa mga mataas na miyembro nito kamakalawa.

Naaresto sa sa Mabini,­ Batangas si Geronimo Bantugon na may kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Narekober dito ang iba’t ibang uri ng baril, bala, at granada. Ito umano ang supplier ng mga baril at bala ng grupo.

Ayon sa Batangas PNP, ang Bantugon group ang responsable sa pagpatay sa dating vice mayor ng Bauan, Batangas na si Julio Cruzat noong Nobyembre 2013 at dating vice mayor Demetrio Alajar ng Tuy Batangas noong 2015.

Sangkot din ang grupo sa mga illegal quarry operation, scrap metal trading at fuel pilferage sa mga bayan ng Bauan at Mabini.

Ang dating leader ng grupo na si Leonilo ‘Ka Nilo’ Bantugon ay napatay naman ng mga ­pulis noong Agosto 2016 habang hinahainan ng warrant of arrest sa ba­yan ng Bauan.

Ang kasalukuyang­ leader nito na si ­Leonar­do­ Bantugon Jr. ay nagtatago naman sa ­Oriental Mindoro.

Mayroon din umanong dalawang da­ting pulis na miyembro ang grupo na kinilalang­ sina Mark Anthony Bugayong at Nestor Sumagpang na pinaghahanap na rin ng pulisya.