Una sa Balita

Gumawa ng extra-judicial settlement

By
0 137

Dear Atty. Claire,

Good day po Atty., ask ko lang po. May declaration na pinadala ang munisipyo sa amin na nakapangalan sa lolo ko pero matagal na po siyang patay. 

Wala na rin po ang tatay ko na anak ng lolo at lola ko. Binayaran ko na po ‘yung tax sa munisipyo sa ilang taon na ‘di nabayaran. Gusto ko sanang bilhin ang lupa at ipatitulo ko po sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin, Atty.?
Salamat po sa tugon – Rhiz

Ms. Rhiz,

Tama ang desisyon mo na bilhin ang ari-arian ng lolo mo dahil sa hindi iyan mapapasaiyo dahil lamang sa ikaw ang nagbabayad ng amilyar.

Related Posts

Ang una mong gawin ay kausapin lahat ng taga­pagmana ng lolo mo. Iyan ang mga kapatid ng tatay mo (kung wala na sila ay ang mga anak nila). Sabihin mo na balak mo nang bilhin ang ari-ariang naiwan ng lolo mo at babayaran mo o bibilhin ang share nila sa mana.

Kapag pumayag sila ay magsagawa na kayo ng Extrajudicial Settlement of Estate with Waiver at lahat ng mga tagapagmana ng lolo mo (pati ng tatay mo) o ang kanilang napiling representative ay dapat na nakapirma rito.

‘Pag naayos mo na iyan ay kakailanganin mong ipadyaryo ang Extrajudicial Settlement of Estate bago bayaran ang Estate tax sa BIR at ang ibang fees. Matapos bayaran lahat ang taxes at fees ay maaari ka nang pumunta sa Register of Deeds para mapatituluhan sa pangalan mo. Lakarin mo rin na maayos ang Tax Declaration para mailipat sa pangalan mo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.