Una sa Balita

Gumabao, Creamline todo ang paghahanda sa Finals

0 269

GINIIT ni Creamline volleyball star pla­yer Michele Gumabao na dedma sila sa 11-straight wins ng koponan, dahil mas pinahahalagaan nila ngayon ang pagdepensa sa kanilang korona sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference Finals.

Tungo na ang Cool Smashers sa third straight finals appearance tapos walisin ang Pacific Town Army Lady Troopers sa best-of-three semifinals nitong Sabado sa Game 2 clincher, 25-12, 25-18, 25-13, sa Ynares Center sa Antipolo.

Wika ni opposite hitter Gumabao: “Kinalimutan na namin ang 11 wins na yun. The team right now, nobody’s thinking about the winning streak, nobody’s thinking about the past.”

“We’re just really focusing in the Finals. Everybody’s preparing for the Finals,” wakas ng beauty queen na nakawalong puntos sa paluan.

Nagpakawala rin sina import Kuttika Kaewpin at team captain Alyssa Valdez ng 12 at 11 puntos kontra Lady Troopers.

Sa Miyerkoles, Hulyo 10 sisimulan na ang hambalusan sa Finals ng second Creamline at top seeded PetroGazz. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy