Una sa Balita

Gumabao, Creamline pinabagsak ang Air Force

0 289

PASIKLAB agad si Michele Gumabao at Creamline nang igupo ang Philippine Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa opening Linggo ng hapon ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Sa pag-angkla ni Gumabao na dumila ng 14 points, ‘di nagpatinag ang defending champions Cool Smashers para sa masaklap na pagsalubong nila sa nagbabalik-ligang Lady Jet Spikers.

Nagsi-agapayan pa kay Gumabao­ sina Alyssa Valdez at Risa Sato na mga ngumuya ng 13 at 11 markers­ para sa magarbong pagtalop ng Cool Smashers sa title-defense bid sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Pero ‘di pa kuntento ang koponan dahil sa kalagayan.

“Overall, we’re really adjusting and coping sa system na dinadala sa amin ni coach Tai (Anusorn Bundit). We have a lot of things to improve on going to the next games pa,” komento ni team captain Valdez. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy