Una sa Balita

Gumabao, Creamline lalo pang bumangis

0 312

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Center)
2:00pm –Motolite vs Choco Mucho
4:00pm — BaliPure vs Banko Perlas

WALANG Alyssa, walang problema!

Hindi natinag ang Creamline Cool Smashers kahit wala ang kanilang pambatong si volleyeball superstar Allysa Valdez.

Nagtulungan sina setter Jia Morado, Filly Cainglet-Cayetano at Michele Gumabao upang tulungan ang Cool Smashers na walisin sa tatlong sets ang Chef’s Classic, 25-11,25- 14, 25-21 kahapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi nakapaglaro si former ‘Queen Eagle’ Valdez dahil nagkaroon ito ng ankle injury.

“Happy naman kami na ‘yung hardwork namin sa training, ‘yung mga patayan namin with coach Tai nagpe-payoff naman at we’re happy na lahat kami nakalaro,” saad ni Morado, nagtala ng 28 excellent sets sa kanyang huling laro sa Creamline.

Nakatakdang tumungo si Morado sa Thailand para sumali sa National Team.

“I think everyone was able to pitch in and contribute sa points din,” ani Morado.

Malinis sa siyam na panalo ang Cool Smashers habang nalasap ng Chef’s Classics pang-walong sunod na talo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy