Una sa Balita

Gumabao ayaw mag-muse sa B’water dahil sa Phoenix BF

0 869

At 53, dapat lang na maging proud si megastar Sharon Cuneta dahil kinukuha pa din siyang ‘muse’ ng isang sikat na basketball team sa PBA.

Sure kaming hindi lang ito ang unang beses na nakapag-muse sa isang PBA team si Shawie, pero iba ito this time dahil bukod sa much younger batch of muses ranging from beauty queens to sports heroines to young actresses to Miss Universe, si mega ang sinasabing ‘most wholesome’ sa lahat.

Nakakaloka nga ang sagot ng ilang fan ni mega sa mga nagsasabing ‘tiyang tiya’ ang aura nito sa ibang muses, “eh totoo namang “tita o mommy na nila si Sharon, pero ang usapan, muse, at siya nga ay muse.”

Kaya sa mga mas batang gaya nina Myla Pablo, Alyssa Valdez, Jasmine Alkhaldi, Kelley Day, Eva Patalinjug, Anie Uson, Aya Fernandez, Klea Pineda, Sam Pinto, Yam Concepcion at nina Kylie Verzosa at Pia Wurtzbach, maybe try to learn a lesson or two from the megastar, who will ramp as Magnolia team muse come Sunday (Jan. 13) PBA opening.

***

At dahil hindi na nga naiiba sa tsismisang showbiz ang mundo ng sports, how true naman kaya ang tsika na nag-beg-off umano ang kilalang volleyball star at beauty queen na si Michelle Guma­bao na magsilbing muse ng Blackwater team?

Marespeto naman daw ang ginawang pagtanggi ni Michelle na makasabay sana ang mga volleyball friend niyang sina Alyssa at Myla sa pagrampa as muses, pero dahil umano sa mas nirerespeto nito ang relasyon kay Phoenix Fuel Master coach (strength and conditioning) bilang kanyang boyfriend, tumanngi ito sa invitation ng Blackwater.

Hindi nga naman magandang tingnan na ‘yung bf mo ay nasa ibang koponan at sa kalabang team ka naman magbibigay inspirasyon bilang kanilang muse.
Sa nakita nga naming kumpletong listahan ng mga muse na rarampa this Sunday, busog na busog na ang PBA fans.

***

Dapat pa ba nating pagtakhan ang pagiging mas active ngayon ni Monsour del Rosario sa mundo ng sport kesa noong mga nakaraang panahon?

Siyempre may nalalapit na eleksyon kung saan mag-re-re-elect ang dating Olympiad na si del Rosario bilang Congressman sa Makati kaya’t he needs all the ‘free’ publicity he may get out of sports events and news na kasama siya.

At bilang 2019 SEAG chief of mission nga, dapat lang siyang mas maging visible at audible sa sports world dahil isa nga siya sa tutulong para masiguro ang tagumpay ng 30th SEA Games na magaganap nga sa atin come Nov. 30 until December 11.

And when we say success, mga bonggang medal (especially gold ones) ang aambisyunin ng team Philippines ‘di ba Cong. Monsour?

Sana nga lang, kapag na-re-elect siya ay mas gumawa siya ng mga bonggang batas para sa proteksyon at interes ng lahat ng sports organizations sa bansa at hind nu’ng iilan lang na sinasabing ‘sponsor’ niya umano?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy