Una sa Balita

Gulo sa 2019 eleksyon mas mababa noong 2016 — PNP

0 191

BUMABA sa 55 porsiyento ang election related violence incident (ERVI) nitong kakatapos na 2019 midterm election kumpara noong 2016 election ayon sa ulat kahapon ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sa press briefing kahapon, sinabi ng PNP Spokesperson Bernard Banac na umabot sa 60 ERVI ang naitala mula Enero 19 hanggang Hunyo 6 ngayong taon, mas mababa kumpara sa 133 ERVI na naitala ng naganap na 2016 election.

Umabot sa 51 election related violence ang nairekord ng pulisya mula Enero 13 hanggang Mayo 12 nitong 2019 midterm election kung saan walo sa mga kaso ay naitala mismo sa araw ng eleksyon.

Sa 113 biktima ng election related violence nitong kakatapos na eleksyon, 23 sa mga ito ang patay habang 46 ang sugatan at 44 ang unharmed kumpara sa 50 nasawi noong 2016 Presidential election.

Ang election period ay magtatapos na sa susunod na linggo kaya inaasahan na ang pag-alis ng gun ban, Comelec checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Umaabot naman sa 5,176 na iba’t ibang uri ng baril gayundin ang 49,438 na mga patalim ang nakumpiska ng PNP na ikinaaresto ng 6,203 katao sa mga isinagawang checkpoint at pagsisilbi ng search warrant mula Enero 13 hanggang Hunyo 5 ng taong ito.

“The PNP leadership earlier attributed the reduction in the number of incidence of election violence to early preparations that started as early as July last year, a time when the number of elected officials killed was rising. This is a big decline.

We cannot entirely say we are doing good but of course, with these incidents, we aim to fully implement our police interventions so that the number of ERVIs won’t increase,” pahayag naman ni PNP chief General Oscar Albayalde sa kanyang statement. (Edwin Balasa)

Dagdag pa ng opisyal na isa sa mga naging dahilan ng mababang ERVI ay ang pagsisilbi ng search warrant sa mga kilalang criminal group, gun-for-hire at mga miyembro ng private armed group. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy