Una sa Balita

Gulay, prutas sa Tuguegarao mataas ang pesticide level — DA

0 413

NAKITAAN ng mataas na level ng chemical content ang iba’t ibang klase ng ibi­nebentang gulay at prutas sa Tueguegarao City, ayon sa Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2).

Ayon kay DA-R2 officer Erlinda Tulauan, kabilang sa mga nagpositibo sa pestisidyo o nahigitan ang katanggap-tanggap na maximum residue limit­ (MRL) ay ang mga gulay na inaangkat ng lungsod sa Nueva Vizcaya; Roxas, Isabela; Ilocos Region; at Solana, Cagayan.

Sinabi ni Talauan, sa inisyal na resulta ng pagsusuri sa mga sample ng gulay at prutas, nakita sa mga ito na may mataas na level ng carbamate at organo-phospate content na lagpas sa pinahihintulutang limit.
Aniya, ang naturang mga substance ay mga uri ng kemikal na ginagamit sa pestisidyo na maaaring makalason at makapagpahina sa respiratory at muscle system ng isang tao.

Dahil dito, inirekomenda ni Tulauan na kaila­ngang pagbawalang makapasok sa merkado ang mga produktong may mataas na pesticide residue habang maaari namang kainin­ ang below MRL. (Allan
Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More