Una sa Balita

Guji Lorenzana, marami pang gustong gawin sa showbiz!

By
0 11

Five years ang exclusive contract na pinirmahan ni Guji Lorenzana sa Viva Artists Agency noong Biyernes.

Kasama ni Guji sa contract signing ang aktres na si Suzette Ranillo dahil ito ang co-manager ng VAA sa pamamahala sa kanyang showbiz career.

May kontrata si Guji sa ibang recording company pero sinabi ni Boss Vic del Rosario na tutulungan siya sa kanyang singing career, kapag natapos na ang kontrata niya .

Itinuturing ni Guji na bagong kabanata ng kanyang buhay ang pagpasok sa Viva dahil marami pa siya na gustong gawin sa career niya.

Maraming plano ang Viva para kay Guji na hindi lamang singer dahil host, DJ at theater actor din siya.

Hindi lamang si Guji Lorenzana ang alaga ni Suzette Ranillo dahil talent din nito si Ivan Padilla, ang gumanap na boyfriend ni Bela Padilla sa 100 Tula Para Kay Stella.

Malakas ang screen presence ni Ivan sa blockbuster movie ng Viva Films at dahil hindi siya masyadong kilala, Hun­ter ang tawag sa kanya ng mga nanood ng 100 Tula Para Kay Stella dahil ‘yon ang pangalan ng karakter na ginampanan niya.

Isinilang at luma­ki si Ivan sa San Francisco, California.­ Pinsan ni Robin Padilla ang nanay niya at apo siya ng pumanaw na aktor na si Amado Cortez.

Napanood si Ivan sa mga US television series na CSI: Miami, CSI: NY at The Clo­ser pero Germaine de Leon ang ginamit niya na screen name.

Umuwi ng Pilipinas si Ivan para su­bukan ang kapalaran niya sa local showbiz.

Ibinalita ni Suzette na si Ivan ang leading man ni Alessandra de Rossi sa bagong movie project ng Viva Films na ngayon ang unang araw ng shooting.