Una sa Balita

Guino-o, FEU sinuwag ang 3 dikit na panalo

By
0 267

Sa likod ng tikas nina Ria Beatriz Glenell Duremdes at Heather Anne Guino-o sa umaatikabong 5-set match, naka-eskapo ang Far Eastern University Lady Tamaraws kontra Adam­son University Lady Falcons, 25-18, 17-25, 25-14, 22-25, 15-8, sa first round eliminations ng UAAP Season 81 ­women’s indoor volleyball tournament, Linggo ng hapon sa The Arena, San Juan.

Sa likod ng 44 excellent digs ni best player of the game Duremdes at 20 points ni Guino-o, nilapa ng mga taga-Morayta ang San Marcelino-based volleybelles para maiskor ang third straight win, inakbayan sa third sport sa 4-2 win-loss record ang De La Salle University at University of Santo Tomas.

Lumagapak ang Adam­son sa 1-4 maski kumayod si Eli Soyud ng 14 pts. sa walong eskuwelahan lang na liga.

Tinapos ni Celine Domingo ang laban mula sa isang kill block at agapay niya kina ­Guino-o at Duremdes na 14 markers.
Bilib si George Pascua sa ipinakitang performance ng Lady Tams sa halos dalawang oras na paluan.

“Sabi ko sa mga players ko, balik lang tayo kasi mahirap naman na magre-relax ng ganu’n-ganu’n lang,” bulalas ng Tams coach. “Dapat di kami mawawala sa goal namin. Dapat double ­effort pa.”

Susunod na makakaharap ng FEU ang defending champions DLSU Lady Spikers sa Sabado, Marso 16 sa parehas na venue.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy