Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Guinea president bihag ng mga sundalo

0 57

Nasa alanganing sitwasyon ngayon ang Guinea sa West Africa hinggil sa balitang hawak ngayon ng mga sundalo si Guinea’s President Alpha Conde matapos umanong maagaw ang kanyang kapangyarihan.

Sa isang unverified video ay lumalabas na napapalibutan si Conde ng mga sundalong kabilang sa National Committee for Reconciliation and Development kung saan lumabas ang grupo sa national tv na nagsasabing nabuwag na nila ang gobyerno.

Taliwas dito’y sinabi ng Defense Ministry na naawat ng mga Presidential guard ang tangkang pagsakop sa nasabing kapangyarihan.

Agad namang pinalagan nina UN Secretary General Antonio Guterres at African Union ang tangkang kudeta sabay panawagan na lubayan na si President Conde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.