Una sa Balita

Guilty lang ang gagapangan ng ‘chilling effect’ — Palasyo

By
0 2

Ipinagkibit ng balikat ni Communications Sec. Martin Andanar ang mga reaksyon na mayroon diumanong ‘chilling effect’ o mangangatog na ang mga kritiko ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na maging balanse sa pagpuna dahil sa ginawa nito kay Sen. Leila de Lima.

Naniniwala ang kalihim na gagapang lang ang takot kung ‘guilty’ sa anumang ilegal, kriminal o immoral na gawain.

“We can either focus on the lover issue or we can focus on the drug issue so ganu’n po ‘yan that’s how I see it kung meron pong chil­ling effect lahat naman ho dumadaan sa imbes­tigasyon, dumadaan sa tamang proseso then siguro ang Pangulo na lang ho ang… I leave it up to the President kasi siya po ‘yung… the thing we are in a very unique position mayroon po kasi tayong ex-prosecutor, ex-mayor at ngayon po ang Presidente alam po ‘yung batas so I don’t think that mayroong chilling effect ito. Magkakaroon lang ng chilling effect ‘pag guilty po ang isang tao,” pahayag ni Andanar.