Una sa Balita

Guiao: TNT may ‘da best’ na import

0 509

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30pm — Columbian vs. Phoenix

7:00pm –NLEX vs. TNT

NASA unahan ng PBA Governors Cup ang TNT, walang bangas sa pitong laro.

Kabuntot lang nila ang NLEX sa 5-1.

Magsusukatan ang dalawa sa pinakamainit na teams sa nightcap mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

“TNT is unbeaten and the reasons are obvious,” wika ni Road Warriors coach Yeng Guiao. “They have arguably one of the best imports and a solid core.”

Sa pitong laro, hindi nag-slow down si KJ McDaniels na naga-average ng dambuhalang 36.71 points, 14.43 rebounds, 5.14 assists at 4.0 blocks per game para sa KaTropa.

Hindi nagkukulang sa suporta sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario at Don Trollano. Dumating din kamakailan sa TNT ang isa pang sniper na si Mike Digregorio mula Blackwater kapalit ni Brian Heruela.

Nasagad sa overtime ang KaTropa bago naipagpag ang makulit na Alaska 99-93 noong Biyernes.

Nakakadalawang sunod na panalo din ang Road Warriors, huliing pinataob ang Columbian 117-111 noong Oct. 16 sa debut ni Manny Harris.

“Admittedly, we are in high spirits at the moment but we know this could be short-lived if we don’t sustain our momentum,” dagdag ni Guiao.

Sa una niyang laro sa liga, nagpakilala si Harris sa tono ng 45 points mula sa 15 of 28 shooting at 12 of 13 sa free throws, 5 rebounds, 4 assists, 3 steals at 3 blocks.

Magtatapat ang dalawang imports na parehong kilalang scorer at galing sa NBA. Nakapaglaro si Harris sa Cleveland Cavaliers, Lakers at Dallas Mavericks. Si McDaniels ay galing ng Philadelphia 76ers, Houston Rockets at Brooklyn Nets.

Mangunguna sa locals ng Road Warriors sina Kiefer Ravena, Poy Erram, JR Quinahan, Philip Paniamogan, Bong Galanza at Jericho Cruz. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More