Una sa Balita

Guiao thrown out pero Ighalo, NLEX panalo

0 195

Laro ngayon: (Cagayan De Oro City)
5:00pm — Rain Or Shine vs San Miguel Beer

NAPAKAWALAN ang double-digit na bentahe at na-thrown out pa si coach Yeng Guaio pero hindi bumitaw ang NLEX Road Warriors para ipreserba ang 87-85 panalo para sa graceful exit sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.

Nagpakatatag ang Road Warriors sa natitirang huling minuto ng laro kung saan napatalsik pa si Guiao dahil sa magkasunod na dalawang technical foul dahil sa pagrereklamo sa hindi pagtawag ng foul sa kanyang mga manlala­ro.

Nagawang lumapit ng Fuel Masters sa 85-86, may 6.2 na lamang sa laro sa isang tres ni RJ Jazul at pagkaka­taon pa sana maagaw ang panalo matapos sumablay si NLEX import Olu Ashaolu sa da­lawa nitong free throws subalit hindi nito naku­ha ang bola tungo sa kabiguan.

“We treat the game as a start of our third conference. Gusto lang ni coach Yeng na manalo talaga sa laro para mabitbit namin sa susunod na conference,” sabi lamang ni Kenneth Ighalo na binitbit ang Road Warriors sa itinala nito na 14 puntos, 2 rebounds at isang assist. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy