Una sa Balita

Guiao suko agad sa San Miguel

By
0 4,297

Barometro pa rin ang San Miguel Beer sa parating na import-spiced PBA Commissioner’s Cup, Beermen ang pinaghahandaan ng ibang teams kung paano titibagin.

Sa lakas ng defending champions, may halong biro pero mukhang resigned na si NLEX coach Yeng Guiao na sa dulo ay wala ring tatalo sa team ni Leo Austria.

“Ang basis of comparison mo ngayon is San Miguel eh,” lahad ni Guiao. “Lahat ng teams, maybe except for Ginebra, ang kulang pang-match up kay June Mar (Fajardo). With the import, may pang-match up ka kay June Mar, pero may import din sila, so parang wala rin.”

Mas mahirap pa raw ngayon na tapatan ang SMB, dahil parating ang 2017 top pick nilang si 6-foot-7 Fil-German Christian Standhardinger na naglalaro pa para sa Hong Kong Eastern sa playoffs ng ASEAN Basketball League.

“Ano na lang, second place na lang pinaglalabanan ulit,” natatawang dagdag ni Guiao. “Second place na lang pinaglalabanan d’yan.” (Vladi Eduarte)