Una sa Balita

Guiao sasagarin sina Fajardo, Troy, Pogoy

0 286

SA unang pagkakataon matapos ang mahaba-haba ring paghihintay, nakasama na sina June Mar F­ajardo, RR Pogoy at Troy Rosario sa ensayo ng Gilas Pilipinas kagabi.

Pinagbigyan ni coach Yeng Guiao ang tatlong mainstays na lumiban sa praktis habang nagbubuno sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup ang San Miguel Beermen at TNT KaTropa.

Noong Biyernes ay kinumpleto ng SMB at ni Fajardo ang 4-2 series win.
Hindi na nga sumama ang tatlo sa training camp ng Nationals sa Spain noong first week ng August.

Nasa stretch na ng araw-araw na praktis ang Nationals umpisa kagabi bago ang 2019 FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Sa siyam na araw, umaasa si Guiao na makakapag-adjust agad sina Fajardo, Pogoy at Rosario sa sistema ng team.

“We’re just hoping that with the short time, maka-adjust sila agad, makapagpahinga sila agad, at maka-recover agad from the finals,” ani Guiao.

Sa Aug. 23 at 25 ay inaasahang maisasalang ang tatlo sa dalawang friendly games ng Gilas kontra Australian team Adelaide 36ers.

Pagkatapos nito ay ihahayag na ang final 12 na bibiyahe sa China sa Aug. 29. (Vladi E­duarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy