Una sa Balita

Guiao sakit-ulo sa ‘Final 12’

By
0 743

SAKIT sa ulo para kay Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang pagpili ng ‘Final 12’ mula sa 16-man pool na isasabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Magandang sakit ng ulo.

“There are a lot of players to choose from and you will pick just 12 so that’s going to cause headache, but it’s a good problem,” saad ni Guiao pagkatapos ng second day ng ensayo nila sa Meralco Gym Martes nang gabi.

“What we don’t want is not having a selection to choose from so we have a good problem.”

Kompleto pa rin ang mga tinapik ni Guiao para sa September 13 at 17 encounter kontra Iran at Qatar kabilang sina Scottie Thompson, Greg Slaughter, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Ian Sangalang, Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga, JP Erram, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Dumalo rin ang tatlong orihinal na miyembro ng Gilas na sina Japeth Aguilar, Matthew Wright at Allein Maliksi na kasalukuyang suspendido matapos masangkot sa bakbakan laban sa Australia noong Hulyo 2.

Napahanga rin si Guiao sa ipinakita ng Gilas pool.

“I’m impressed. I’m excited to see them play for the national team. I feel that we have the materials to compete with Iran and Qatar in this window,” wika ni Guiao. (Cyreel Gian Zarate)