Una sa Balita

Guiao may ultimatum kina Fajardo, RR, Troy

0 299

SIYAM na araw na lang mula kahapon, bibiyahe na ng China ang Gilas Pilipinas para makipagbuno sa 2019 FIBA World Cup.

Pero hindi pa makumpleto sa ensayo ang 15-man pool ng Nationals.

Wala sina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario sa practice nitong Lunes nang gabi sa Meralco Gym.

Intindido ni coach Yeng Guiao ang kalagayan ng tatlo na posibleng pagod pa.
Galing sa PBA Commissioner’s Cup Finals ang tatlong mainstays, sa anim na laro ay tinalo ng San Miguel Beer ni Fajardo at TNT KaTropa nina Pogoy at Rosario.

Aug. 29 ang nakatakdang biyahe ng Gilas pa-China, uumpisahan ang kampanya sa World Cup sa Aug. 31.

Palapit na ang torneo, kailangan pang makumpleto ang 15-man pool.

“Sayang ‘yung araw, nanghihinayang din ako,” ani Guiao. “Kaya lang, ‘di natin sila mapuwersa o mapilit. Alam din nating galing sila sa finals. So maybe they know how they feel, they know what their bodies require.”

Handa pa ring maghintay ni Guiao, pero nagtakda na siya ng ultimatum.
“We’ll wait for them one or two more days,” anang coach. “’Pag ‘di sila dumating, kailangan magdesisyon na rin tayo.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy