Una sa Balita

Guiao kuntento na sa Gilas pool

0 589

APEKTADO ng injuries ang final 12 ng Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA World Cup, pero wala nang balak magdagdag sa pool si coach Yeng Guiao.

Nawala dahil sa knee injury si Marcio Lassiter, tinawag ang isa pang sniper na si Matthew Wright.

Pero noong Lunes ay inabot naman ng ankle sprain ang Fil-Am wingman.
Ilang araw na lang bago ang torneo sa China sa August 31-September 15, kailangan nang bumuo ng lineup si Guiao.

“We will see if it will affect ‘yung final 12 natin,” ani Guiao sa injury ni Wright na day-to-day pa at kinailangan ng apat hanggang limang araw na pahinga.

Nanghihinayang lang si Guiao kung hindi makakasama sa China si Wright.

“Sayang. These are the country’s best shooters and we ran into these problems,” aniya. “Of course we cannot control the situation, pero as coach and the coaching staff, we will have to make decisions based on what we are faced with.”

Pagkatapos ng dalawang goodwill games kontra Australian team Adelaide 36ers kagabi at bukas, August 25, ay makikita kung ano ang sitwasyon.

Ang sigurado ay hindi na magdadagdag sa pool si Guiao.

“‘Yung nandu’n na lang sa pool talaga,” giit niya. “If you’re asking kung magdadagdag pa tayo ng ibang player? Siguro it’s too late by this time.

Kailangan na ‘yung mga nakasama natin na alam na ‘yung sistema. It’s too late kung maghahanap pa tayo ng iba na wala du’n sa pool.”

Sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, RR Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Beau Belga, Marc Barroca, Paul Lee, Robert Bolick, CJ Perez, Kiefer Ravena at Wright ang nasa pool. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy