Una sa Balita

Guiao, isang rebelasyon!

By
0 1,149

ISANG malaking rebelasyon si coach Yeng Guiao!

Ito ang sinabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa ambush interview sa kanya ng mga scribe nang masungkit ng TNT ang 118-114 na panalo kontra sa Columbian Dyip na nagbigay wakas sa tatlong dikit nitong tambak na pagkatalo Linggo nang gabi sa Smart Araneta.

Sinasabing biglaan ang pagpapatawag ng pulong ni MVP matapos ang laro kaugnay ng umano’y gagawing rigodon sa coaching staff ng KaTropa.

Natanong din kay Pangilinan ang magiging estado ni Guiao sakaling maging maganda ang performance ng Gilas Pilipinas sa darating na World Cup qualifier sa Sept. 13 kontra sa Iran na gaganapin sa Tehran at kontra sa Qatar na dito naman sa bansa idaraos.

Halos nabigla ang lahat sa sinagot ni MVP.

“Hindi naman manhid si Chot (Reyes). Nag-usap na kami and for the country he’s willing to give way,” sabi ni Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, dahil kay Guiao, “nabuksan na ang pintuan ng PBA kaya pumasok ka na.”

“I must say that coach Yeng was a revelation. It was a Jeckyll and Hyde transformation. How he managed to bring the team together. From different personalities, different teams and how Jordan Clarkson also blended with the team,” ayon pa kay Pangilinan patungkol sa fifth place finish ng national team sa katatapos na Asian Games.

Pero nagpahayag ng agam-agam si Pangi­linan kung papayag ba si Guiao na permanente na nitong hawakan ang national team kapalit ni Reyes.

“The trick is convincing Yeng, kasi tatakbo ‘yan for Congress,” dagdag ni MVP.

Dahil kay Guiao, ipinasya ng ibang koponan sa PBA lalo na ang San Miguel group na magpahiram ng player para sa national pool na kinabibilangan nina Greg Slaughter, Marcio Lassiter, Ian Sangalang, Paul Lee at Scottie Thompson.