Una sa Balita

Guiao, Isaac et.al. multado

By
0 6

Nabuena-manuhan ang dalawang coaches, tigatlong locals at Fil-foreign players at dala­wang imports ng mga multa pagkaraan pa lang ng four-playing dates ng PBA Commissioner’s Cup eliminations.

Magbabayad si NLEX coach Yeng Guiao ng P5,000 habang ang player niyang si Eric Camson ng P10,000 sa siniwalat kahapon ni pro league commissioner Chito Narvasa na mga infractions ng mga ito at iba pang mga sangkot.

Pinurbahan ng Road Warriors mentor ang isang referee sa game ng team niya sa Meralco noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum na pinagwagian ng Bolts 91-84, habang sinahod ni Camson ang drive ni Alex Stepheson sa midway ng fourth period.

Ang teammate ni Camson na si Fil-Canadian Sean Anthony ay may P3,000 fine sa game day conduct violation at may isa pang bayarin na hindi muna tinukoy ng liga ang halaga dahil naman sa dress code violation, gaya ng mga kakamping­ sina Fil-Tongan Asi Taulava at reinforcement Wayne Chism.

Ang Phoenix stalwart na si Willy Wilson ay may P3,000 fine sa flopping, samantalang wala pa ring presyo sa kani-kanilang mga pasaway na akto sina Mahindra import James White na naglambitin sa ring tapos dumakdak; Fil-Aussie Mick Pennisi­ sa masamang tubo ng dila sa game at GlobalPort teammate JR Quinahan sa hindi pag-approch sa table officials o bastang pagpasok na lang sa game buhat sa bench.

Walang humpay naman ang mga paninigaw ni Blackwater coach Leo Isaac sa mga reperi.