Una sa Balita

Guiao ibibigay ang panalo kay Racela?

By
0 1,442

KAILANGANG sagasa­an ng Talk ‘N Text KaTropa ang sister team NLEX ngayong alas-4:30 ng hapon sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup eliminations sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sigurado na ang NLEX sa Top 6 sa quarterfinals matalo o manalo, pero marara­ting pa ang No. 3 katabla ang Alaska kung manaig at ang pinakamababa naman ay No. 5 kapag nabigo.

Pero dahil tinalo ng Road Warriors ang Aces noong Pebrero 11, 96-89, magiging solong pangatlo sila kung sakali.

“Makaiwas lang kami sa seventh or eighth masaya na kami. We’re just trying to avoid that twice-to-win disadvantage. We want to play a team on even terms,” bigkas ni Yeng Guiao matapos ang kanilang panalo sa Blackwater, 93-90, noong Pebrero 18.

Gusto ng Road Warriors coach na mayroon silang baong limang sunod na panalo at makuha ang pinakamataas na pagtatapos sa elims sa kanilang franchise history.

“We would set a record for our franchise as the highest finish in the elimination round if we win our game tomorrow,” hirit ni Guiao. ­“Taking third place would mean a lot to us after struggling early on. It’s also a momentum and confidence builder for us going to the quarters.”

Malaki sana ang tsansa ng Texters na makapasok sa Top 8, pero nabigo sa huling tatlong laro kaya nalagay sa alanganin.

Ang Blackwater ay natapos sa 5-6 at ang Phoenix, Ginebra, GlobalPort at Rain or Shine ay maaari ring magtabla-tabla kaya susubukan ni coach Nash Racela na manalo at makahabol sa quotient.

Alas-7:00 ng gabi naman magpapang-abot ang San Miguel (8-2) at Rain or Shine (5-4).