Una sa Balita

Guiao hirap sa Gilas Final 12

0 298

AMINADO si coach Yeng Guiao na mahihirapan siya at ng coaching staff na pumili ng final 12 mula sa Gilas pool na isasabak sa 18th FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Isang dahilan dito ang injuries ng ilang key players­ tulad nina Poy Erram at Matthew Wright.

Gusto sanang makita ni Guiao ang laro ng dalawa, gayundin ang mga nahuling sumabak sa praktis na sina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario, sa goodwill games kontra Adelaide 36ers.

‘Di naglaro sina Erram at Wright sa 92-83 win ng Gilas, mas malamang na ‘di rin makasalang mamaya sa pangalawang friendly.

“It’s difficult to choose the final 12,” wika ni Guiao Biyernes ng gabi.
“Poy could not play, he has a knee issue. Matthew also has health problems, so I’m a little worried about those two because I really wanted to see them in this situation.”

Mukhang nabugbog ang dati nang naoperahang kaliwang tuhod ni Erram sa practice, sasailalim pa sa karagdagang tests. Sa paa rin ang iniinda ni Wright.

Si Marcio Lassiter ay kumpirmadong out na sa China dahil hindi pa nakakarekober mula MCL strain. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy