Una sa Balita

Guiao, Gilas Pilipinas sasagasaan ang 36ers

0 626

HINDI uso ang pahinga sa Gilas Pilipinas lalo’t paubos na ang countdown sa FIBA World Cup.

Galing sa 10-day training camp sa Spain, nakauwi ng Manila ang Nationals noong Martes.

Kinabukasan, Miyerkoles, balik na sila sa ensayo sa Meralco Gym.

Dalawang linggo pang puspusang training­ ang Filipinos.

Sa Aug. 23 at 25, may dalawang friendly games ang pool ni coach Yeng Guiao kontra NBL team Adelaide 36ers.

Ang Adelaide games ang magiging huling bahagi ng training bago ihahayag ang final 12 na isasagupa sa World Cup. Sa Aug. 29 ay tutulak pa-China ang team bago ang tournament sa Aug. 31-Sept. 15.

Bitbit ni Guiao ang 11-man pool sa Spain, pero hindi naglaro si Kiefer Ravena dahil suspendido pa ng FIBA.

Dalawang tune-up games ang naipanalo ng Filipinos sa Guadalajara, parehong tinalo ang Congo at Ivory Coast.

Inabot ng mild groin strain si Gabe Norwood sa unang tune-up game kontra Congo, siyam na lang ang nagamit sa sumunod na tatlong laro. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy