Una sa Balita

Guevarra kay Bantag: Linisin mo ang BuCor

0 289

SA unang pagkakataon, ay nagkita na sina Justice Sec. Menardo Guevarra at ang bagong talagang director general ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Quitalig Bantag, kahapon.

Sa kanilang pagkikita, ibinaba ni Guevarra ang mga marching order nito kay Bantag.

Kabilang sa utos ng kalihim ay ang paglilinis sa kalat na nilikha ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Pinatututukan din ng kalihim kay Bantag ang computerization sa BuCor at higit sa lahat ay ang pagwalis sa iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Kumpiyansa naman ang kalihim na may magandang rason ang Pangulo kung bakit si Bantag ang napili nitong bagong timon ng kontrobersyal na BuCor.

“I’m sure the president has good reasons for appointing Gerald Bantag as the new BuCor chief,” aniya

Nauna rito ay ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang pagtalaga niya kay Bantag sa BuCor sa kabila ng nakabinbing kaso kaugnay ng pagpapasabog nito sa Parañaque City Jail noong 2016 na ikinamatay ng maraming preso.

“I think the case is in court. He is facing homicide charges. I don’t think that he did it. If he did, then baka ma-convict siya,” ayon sa Pangulo.

“Gusto ko siya kasi nagtatapon ng granada daw,” biro pa ni Duterte. (Lorraine Gamo/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy