Una sa Balita

Guevarra hindi tatantanan si Ressa

0 474

HINAMON ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Rappler chief executive officer Maria Ressa na magsampa rin ng kaso laban sa kanya at sa gobyerno kung pa­tuloy niyang igigiit na iligal at isang panggigi­pit ang pagkakaaresto sa kanya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Sinabi ni Guevarra na tiwala siyang walang maibubutas si Ressa sa kanya at sa gobyerno para mapahiya sila sa pagkakadampot sa huli sa opisina mismo ng Rappler sa Pasig City noong Miyerkoles, Pebrero 13.

“We are performing our duties to prosecute anyone who breaks the law. We are confident that her allegations will not prosper because we have not violated any law. So just go ahead and bring it on,” ani Guevarra.
Nakalaya si Ressa ­no­ong Huwebes matapos maglagak ng P100,000 piyansa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46.
Giit ng kalihim, ma­­bibigo si Ressa na pa­nagutin sila at pagmukhaing ignorante sa batas dahil hinimay nilang mabuti ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na siyang naging basehan ni Keng para kasuhan sa korte ang executive editor ng nasabing online news site.

Sinabi pa ni ­Guevarra na matanda na si ­Ressa para malaman kung ano ang mabuti para sa kanya.

Sa halip na mag-­drama at pagmukhain ang sarili niya sa publiko na inaapi siya ng gobyerno, mas mainam na paghandaan na lang aniya ni Ressa ang kaso niya sa korte.

Hindi nagustuhan ng kalihim ang sinabi ni Ressa na nagkamali ang gobyerno sa pagkaka-aresto sa kanya dahil nagkaroon sila ng dahilan para mas lalong mag-init.

“What the government has done is to actually forge us in fire. It made me, as the CEO and a journalist, to ­decide early on that we would live according to our standards and ­ethics, that we will hold government accountable even if it’s bad for business,” sabi ni Ressa, na ikinapikon ng kalihim.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy