Una sa Balita

Guerrero BOC chief pa rin — Duterte

0 239

NILINAW ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na ­hindi niya pinalitan si Bureau of Customs Chief Rey Leonardo Guerrero.

Kasunod ito nang ulat na isang ­negosyante mula sa Davao ang ­nakatakdang ipalit kay Guerrero.

Sinabi ng Pangulo na kuntento siya sa trabaho ni Guerrero sa BOC kaya mananatili ito sa puwesto.

Napag-usapan lamang aniya sa isang dinner sa Malacañang kung sino ang puwedeng humawak sa BOC, pero hindi ibig sabihin ay papalitan si ­Guerrero.

“We were just shoo­ting the breeze, who are the capable guys to handle. But it doesn’t mean to say that they are the one. Kung sakali lang. But I’m satisfied with General Guerrero and he stays there,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na may mga reklamo pa rin sa BOC dahil pakalat-kalat pa rin sa Aduana ang mga ­taong markado na sa paggawa ng katiwalian kaya kakausapin niya ang Custom’s Chief.

Ilan aniya sa mga ipapatanggal niya sa BOC ay mga opisyal at kawani na nasa ahensiya na sa loob ng 20-25 taon at puro katiwalian ang ginagawa.

“Sabihin ko kay ­Jagger “alisin mo na ‘yan kasi ‘yan ‘yung mga tao who have been there for 25 years, 20 years” puro corruption ang ginagawa,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More