Una sa Balita

Guce laglag sa fifth

By
0 2

Nagkalat ng apat na bogeys – tatlo sa front nine at isa sa back nine – si Clariss Guce ng Pilipinas para malaglag sa two-way tie sa fifth spot tapos nang nakumpletong penultimate play ng US$100,000 4th IOA Golf Classic 2017 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

Iwan si Guce ng six strokes (72-127) sa nagtatrangka pa ring si Australian Hannah Green sa 108-player, 54-hole play tournament.

May 67-131 si Green para sa dalawang palong abante kay American Allison Emrey (67-133) patungo sa final tampok na lang ang 61 golfers dahil sa withdrawal ng dalawa at na-cut na ang 45.

Nakapagsalba naman ang isa pang Pinay na si Mia Piccio ng second straight day even-par 71 para sa 142 at makahilera sa 8-way tie sa 34th place at nakatitiyak ng cash prize sa 21st at penultimate leg ng 12th Symetra Tour 2017.