Una sa Balita

Guce kumakasa sa Florida

By
0 5

Two-way tie sa se­cond place si sophomore Clariss Guce, nakisawsaw sa 11 na nasa 43rd spot si Mia Piccio makaraan ang opening round noong Biyernes ng US100,000 4th IOA Golf Classic 2017 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

Sa pitong birdies at isang bogey lang, naka-six-under par 71 si Guce para maiwan ng pitong hampas sa solo leader na si Australian Hannah Green, may 64 sa 108-player, 54-hole play tourney. Naka-71 si Piccio.

Naudlot nitong Sabado (kahapon, Manila time) ang paluan dahil maagang dumilim doon. Ang event ay 21st at penultimate leg ng 12th Symetra Tour 2017, ang official deve­lopmental golf tour ng mas mayamang LPGA Tour.

Ika-20 torneo na ni Guce ito sa kasalukuyang taon, best finish pa lang ay 11th tapos makadalawang korona noong isang taon, habang nasa fourth year na niya si Piccio at ito ang ika-18 niyang kumpetisyon sa taon.