Una sa Balita

Guce eighth sa Florida

By
0 8

Nagawang makibuhol ni Clariss Guce sa limang magkakasalo sa 8th spot ng nakumpletong 36-hole ng US$200,000 10th Symetra Tour Championship 2017 kamakalawa sa LPGA International-Jones Course sa Daytona Beach, Florida.

Mula sa anim sa first round, isa pa si Guce na may two-round total 141 kasunod ng 1-over-par 71, 7-stroke behind kay American Rochel Rohannan (69-134) na may 2-stroke lead kay first-round leader Chinese Yu Liu (69-136).

Mula naman sa pakikisosyo sa 12 nasa 39th place, bagsak si Mia Piccio sa 10 nakahanay sa 43rd sa 146 tapos ng 72, habang maski may 73 pa-147, akyat si Princess Superal sa 9-way tie for 53rd.

At si Dottie Ardina na galing sa 12-way tie for 14th, kinapos ng isang palo sa 147 cutoff score upang hindi na makalaro sa money round kahapon sa pagkakalat sa 77 pa-148.