Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Guarantor hinahabol ng inutangan

0 204

Dear Atty. Claire,

Isang mapagpalang araw po Atty. Claire. Ako po ay lumalapit sa inyo upang humingi ng legal advise regarding po sa mga ginarantiyahan ko na ako ang nag-suffer mga utang nila.

May financer po ako tapos may mga ni-refer po ako sa kanya mga tao na gusto mangutang ng pera nung mga unang taon nakakabayd naman po pero nung nag-pandemic hindi na nga po nakabayad until now. Gumawa po ako paraan para mabayaran yung financer nangutang ako sa tao at sa bank para mabayaran iyon . Tita ko at ate ko pati kaibigan niya ang may utang na sakin. Nag-loan ako malaki sa bank para mabayaran po utang nila pati sa tao kaso nawalan ako ng trabaho at ngayon nagigipit na po ako sa pagbabayad . Puro lang po pangako mga umutang sakin na babayaran nila ako tapos ilang buwan na po wala sila na paramdam sakin at ako pa ang kanilang hinahamon na kahit daw na magsampa ako kaso hindi sila makukulong.

Nag-issue sila ng tseke sa akin Atty wala po kasi ako nagawang demand letter kasi walang wala po talaga ako . Napa-barangay na ako ng isa sa mga inutangan ko ng pera . Sana po mapansin nyo nag aking email sa inyo Atty. sobrang kailangan ko po ang inyong tulong. Paano gagawin ko sa mga may utang sakin?

Lubos na gumagalang,
Michelle

Related Posts

Ms. Michelle,
Ang sabi mo ay guarantor ka. Anong klase kang guarantor? Ikaw ay yung nagrefer lang sa financier mo ng mga mangungutang? O ikaw ang umutang sa financier at saka mo binigay ang pera sa mga umutang? Kung guarantor ka lang kasi ay dapat habulin muna ni financier ang mga umutang sa kanya bago siya makahabol sa iyo. HIndi ka obligado na bayara ang utang nila. Dapat ma exhaust muna ni financier ang lahat lahat ng paraan na makasingil sa mga umutang bago siya maningil sa guarantor. Dapat din na nakapirma ka na guarantor para magkaroon ka ng obligasyon na magbayad.

Sa mga umutang sa iyo naman ay dapat na makasingil ka. Kung may tseke iyan ay mas malaki ang habol mo para makumbinse na bayaran ka nila dahil kapag hindi na nabayaran at tumalbog ang tseke ay pwede silang makulong o pagbayarin ng fine. At kapag di nabayaran ang fine ay makukulong din sila.

Gumawa ka kaagad ng demand letter at ilagay mo sa demand letter na ang tseke na kanilang na isyu para makakuha ng pera sa iyo ay tumalbog at nais mo na mabayaran nila iyon sa loob ng 15 araw. Kailanagn na personal nilang matanggap ang nasabing demand letter para magawan nila ng paraan kung sakali man na in good faith sila. Maaari rin dumulog sa PAO o IBP sa may sakop kung saan ka nakatira upang makapagpagawa ng isang demand letter.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayan din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya (09173215300).

Leave A Reply

Your email address will not be published.