Una sa Balita

Guanzon pinagbantaan sa pagharang kay Cardema

0 295

MAY nagpapadala umano ng mensahe nang pagbabanta kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na posibleng may kaugnayan sa ginawa niyang pagtutol na makaupo sa puwesto ang isang grupo na nagwagi noong nakalipas na May 13 midterm elections.

Ibinulgar ni Guanzon, na may natanggap siyang text message na nagbabanta na may ibubunyag laban sa kanya at pakakasuhan siya, kung patuloy nilang ‘iipitin’ at hindi pa rin sila papayagang makapuwesto.

“I received this text, ‘kapag inipit mo pa din kame at di pa din kame nakaupo ilalabas namin part 2 ng series mo at papakasohan ka pa namen,’” nakadetalye sa mensahe.

Sinagot naman ni Guanzon sa kanyang Tweeter account ng: “Who do u think sent this? Obviously.”

Ipinaliwanag ni Guanzon na hindi siya ang ponente sa kaso ni dating Youth Commissioner Ronald Cardema, kaya’t may pag-asa pa umano itong makaupo sa puwesto.

Siniguro naman si Guanzon na hindi magugustuhan ng kanyang mga kapwa commissioner ang ‘smear campaign’ laban sa kanya.

“So all will know, I am not the ponente in the Cardema case so he has a chance. But their smear campaign against me will not sit well with the commissioners,” ani Guanzon.

Una nang tinutulan ni Guanzon ang isinampang petisyon ni Cardema na maging nominado ng Duterte Youth Party-list, na nagwagi sa nakaraang halalan dahil 34-anyos na ito at hangang edad 25-30 lamang ang maaring maging kinatawan ng sektor ng kabataan.

Sinabi pa ni Guanzon na hindi makakaupo si Cardema hanggang hindi nareresolba ng Comelec ang mga petisyon sa disqualification. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy