Una sa Balita

Guanzon kay Cardema: Hindi siya victim, corrupt ‘yan!

0 299

MATIGAS ang paninindigan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa laban kay dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na tumatayong kinatawan ng Duterte Youth Party-list group.

Sa isang panayam sa GMA 7, sinabi ni Guanzon na hindi siya makikipag-ayos kay Cardema na tinawag niyang sinungaling, matanda, trying hard, mapagpanggap.

“Ba’t kami magbabati? I don’t even know him. ‘Wag siya magpakita sa akin, baka suntukin ko siya,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Guanzon na ang mga taong katulad ni Cardema ay wala dapat sa gobyerno.

“I don’t want him to look like the victim here, eh siya itong nagte-threaten as iha-harm ako, papatayin niya ako, mga pamangkin ko. Iyong nagba-bribe ng commissioners, hindi ‘yan victim, corrupt ‘yan. Iyan ang mga taong hindi dapat nakaupo sa puwesto,” hirit pa ni Guanzon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy