Una sa Balita

Guam trip

0 378

Nitong July 15, sa halos apat na araw sa Guam, umikot ang oras ng Purefoods at Ginebra Legends sa pamamasyal at pamimili sa mga sikat na mall tulad ng Ross, K-Mart, Macys, Home Depot, Guam Premium Outlets, DFS at Micronesia.

Ang mga presyo ng bilihin ay hindi na rin nagkakalayo sa presyo sa ibang tindahan sa US.

Labis na ikinatuwa ng mga higanteng manlalaro na sina EJ Feihl, Marlou Aquino at Bonel Balingit ang pag-shopping sa Ross dahil dito lang nila natagpuan ang mga sapatos na panlaro na magmula size 15 hanggang size 20.

Masasabi na rin natin na ang Guam ay isa sa shopping destination maliban sa kanilang mga tanyag na mga beach resort. Ang pumupuno ng isla ay karamihan mga Asyano din tulad ng Hapon, Koreano, Chinese atbp.

Nakabisita ang aking mga kasamahan sa isang weekend market ng mga Pinoy na sila’y nagtitipon-tipon para magbenta ng sari-saring pagkain, damit at kagamitan.

Ang lugar na tinatawag nilang Barikada na kung saan maraming manggagawang Pinoy na naatasan gumawa ng bahay ng mga sundalo ay ating napasyalan. Sila ay naghanda din ng mga masarap na hapunan tulad ng spare ribs, kaldereta at manok.

Namili din sila ng mga PBA Retro Jersey ng Le­gends sa halagang USD$ 25.00 bawa’t isa.

Ang laking ginhawa para sa PBA Legends nang nakapag-check in ng mga bagahe sa mismong DFS (duty free shop) sa baba. Dahil hindi mo na kailangan makipagbrasuhan sa airport para lang i-check in ang iyong bagahe. Nagkaroon pa ang grupo ng oras na makapasyal muli habang naghihintay ng 7:00 pm flight pabalik na ng Manila.

Ang pamamasyal ng PBA Legends o artista sa Guam ay kulang kapag hindi mo nakilala o nakamayan man lang si Emilio Uy.

Halos magtatatlong dekada na rin natin kilala si Boss Emilio. Siya ang may-ari ng National Office Suppl, producer din siya ng mga show at takbuhan din ng mga tao kapag humihingi sila ng tulong sa Guam.

Napakabait na tao, parating merong nakahanda na #6 boxes ng Hawaiian Host Macadamia Nuts si Boss Emilio para sa mga panauhin niya.

Boss Emilio maraming salamat ulit! Pagaling ka at mabuhay!
Nakasama din natin ang dating manlalaro sa ‘Pinas na si Lody Saitanan na isa sa mga napagkakatiwalaan ni Boss Emilio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy