Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Grupong AKTOR itinatag: Angelica, Agot, Dingdong, Janine nagsama laban sa gobyerno

0 834

“Nanalig kami sa kakayahan ng manlilikhang Pilipino na baguhin ang takbo ng kwento, iparating sa mga kinauukulan ang pinakanapapanahong sentimyentong Pilipino na siyang dapat bigyan pangunahing pansin at ibalik ang kapangyarihan sa tunay na bida ng bansa, ang mamamayan.

“Mabuhay ang mga aktibong #AktorPH! Ang mga artista ng bayan, ngayon ay lumalaban.”

Ilan lang yan sa mga linya na ipinakalat ng grupong AKTOR (League of Filipino Actors) sa social media.

Ano ba ang AKTOR? Ito ang kanilang sagot:

“Ito nga ang bagong tatag ng organisasyon ng mga artista na binuo noong Mayo 30, 2020, upang lumikha ng komunidad ng mga artistang may konsensiyang ipagtanggol ang aming likas na hangarin na lumikha ng mga bagong kwentong makakatulong sa pagbuo ng mas maunlad na bansa.

“Mahabang panahon nang walang organisadong tinig ang mga aktor sa mga isyung pagkasalukuyan.

“Ipinapahayag naming ang mariing pagtutol sa anumang batas at kautusan na sumasagka sa aming malayang paglikha. Tinatanggihan namin ang anumang panghihimasok sa mga proseso ng industriya nang walang tunay na konsultasyon sa mga manggagawa nito. Iginigiit naming na dapat bukas at malaya ang anumang daluyan ng impormasyon likhang sining para sa kapakanan ng higit na nakararami.”

Ilan sa mga nabanggit na problema sa kanilang manipesto ay ang ‘anti-terror bill’ at pati na rin ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN, at pati na rin ang tungkol sa mga protocol ng FDCP.

Kung papansinin mo, pawang mga palaban sa gobyerno ang bumubuo sa grupong ito, sa pangununa nina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Glaiza de Castro, Janine Gutierrez, Joel Lamangan, Lauren Young, Meryll Soriano, Richard Gutierrez, at marami pang iba.

Pinagsamang mga artist ng Kapamilya at Kapuso network ang bumubuo ng AKTOR (League of Filipino actors).

Nakabalandra sa Instagram ang mga pangalan ng mga ito na karamihan ay kritiko ng kasalukuyang gobyerno.

Mababasa sa kanilang mga post ang mga comment mula sa mga follower nila natutuwa ang mga ito sa naitatag na grupo kasunod ng pambubuyo.

@ynyndpsql.official: “Kapit lang!!! Napapanuod at naririnig namen ang mga payaso sa kongreso. Lalaban tayo!” (Rey Pumaloy, Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.