Una sa Balita

Grupo ng UV express umalma

By
0 163

Wala umanong konsultasyon at pahiwatig man lamang sa mga operators at drivers ng UV express na ipagbabawal ang kanilang mga sasakyan sa EDSA.

Ito ang naging pahayag ni Lino Marable, Pangulo ng Coaliton of Operators and Drivers of UV Express.

Ayon kay Marable, kamakailan lamang ay naki­pagkita pa sila kay LTFRB Chairman Martin Delgra sa isang courtesy call upang ipakilala ang bagong pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanila, subalit wala umanong nabanggit o napag-usapan na babawalan na silang dumaan sa Edsa.

Ayon kay Marable, hihilingin nilang suspindin ng LTFRB ang nasabing kautusan dahil hindi sila kinonsulta bago ito ipatupad at hindi rin ito nailathala sa tatlong malala­king publication at hindi rin sila nabigyan ng kopya ng nasabing Memorandum Circular .

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More