Una sa Balita

Grupo ng party-list dismayado sa pambu-bully ni Cayetano

0 556

DISMAYADO ang mara­ming kasapi ng Party­list Coalition Foundation, Inc. (PCFI) sa pagbabanta ni Cong. Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros na magiging mortal siyang kaaway ng mga kongresistang hindi boboto sa kanya bilang Speaker lalo’t inendorso na umano siya ni Pa­ngulong Rodrigo ‘Rody’ Duterte.

“Best friend siya ng mga kongresistang bo­boto sa kanya pero worst enemy naman ng mga hindi susuporta,” ayon sa isang party-list congressman, tumangging magpabanggit ng pa­ngalan, na nakarinig sa bahagi umano ng paha­yag ni Cayetano sa organizational meeting ng 54 kasaping PCFI sa Marco Polo Hotel sa Pasig City nitong nakalipas na Huwebes. “Malinaw na pambu-bully ang nangyari at hindi panliligaw. Kulang siya ng emotio­nal quotient (EQ).

Kung sabagay si Mayor Sara [Duterte Carpio] nga pinagbantaan niya, kami pa kaya,” ayon sa mam­babatas na dumalo sa pulong kung saan sinabi ni Cayetano na mayroon na siyang 15 loyalistang kongresista. Magugunitang binalikan ni Ma­yor Sara si Cayetano dahil sa pagbabanta na kakalas ito sa administrasyon kung susuportahan ng alkalde si Cong. Lord Allan Velasco ng Marinduque.

Dumalo sina Ca­yetano, Velasco at Cong. Martin Romualdez ng Leyte sa pulong ng PCFI upang manuyo at ilatag ang kanilang plataporma. Sinabi pa ng kongresista na ipinagmalaki ni Cayetano na nakuha na niya ang basbas ni Pangulong Duterte sa speakership race kahit malinaw na wala itong susuportahang kandidato.

“Cong. Cayetano told us that he was there not to negotiate because he already got the endorsement of the President,” ayon sa mambabatas kaugnay sa umano’y naging pangakong suporta sa kanya ni Pangulong Duterte.

“Pero kung mayroong mang nakakuha ng endorsement, mas kapani-paniwala ang sinabi ni Cong. Velasco na siya daw ang susuporta­han kasi mas madalas siyang nakikitang kasama ng mga Duterte,” ayon sa source.

Sinikap hingan ng Abante ng pahayag si Cayetano ngunit hindi pa siya sumasagot habang sinusulat ang balitang it

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy