Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Grupo ng doktor kabado sa Alert Level 3

0 172

Nangamba ang isang grupo ng mga doktor dahil sa pagluwag ng quarantine status sa Metro Manila matapos ang malalang pagkalat ng COVID-19 case sa rehiyon.

Ayon kay Philippine College of Physicians president Dr. Maria Limpin, sa ngayon ay puno pa rin ang mga ospital kahit pa bumaba na ang kaso ng COVID-19.

“Puno pa rin kami, madami pa rin ang COVID-19 cases natin. Puno ang ICU (intensive care unit), emergency wards, although di na talaga siya tulad ng dati,” wika ni Limpin sa panayam ng TeleRadyo.

Aniya, kumpara dati ay naa-admit na nila ngayon sa loob ng isang araw ang mga COVID-19 patient.

Ngunit lahad ng doktora, hindi pa rin nakakahinga ang mga ospital sa dami ng mga pasyente dahil sa COVID-19 surge.

Sa datos ng Department of Health, nasa 62 percent ang utilization rate ng mga ICU bed sa Metro Manila, habang 64 percent naman sa buong Pilipinas.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang restriksyon na ang niluwagan tulad ng pagbubukas ng mga sinehan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.