Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Groom na namimigay ng invitation tigok sa truck

0 71

Hindi na umabot sa araw ng kasal ang isang lalaki nang masawi ito habang namimigay ng invitation kasama ng kanyang bride sa Davao City.

Ayon sa report, nakasakay sa nakaparadang motorsiklo sina Jonex Balanoat Melejie Hermoso nang bigla silang araruhin ng truck sa Fausta Calinan nitong Miyerkoles.

Dinala sila sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Balano.

Sinabi ni Hermoso na sa Abril 7 na sana ang kanilang kasal.

SM food to go Banner Ad

“Pinaghirapan talaga namin ito para maging espesyal yung kasal namin, pero ito na, nagkabaong na siya,” pahayag niya.

May anak na ang dalawa na labis na ikinababahala ni Hermoso dahil wala umano siyang permanenteng trabaho.

Sinabi naman ni Calinan police station commander P/Maj. Vic Goles na ang truck driver ang may kasalanan dahil hindi nito napansin ang motorsiklo sa harapan nito.

Sumuko na ang driver ng truck at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.