Una sa Balita

Gringo ipupuwesto sa DICT

By
0 833

ISA na namang dating militar ang nais idagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete.

Si Senador Gregorio Honasan ang napi­pisil ng Pangulo na ila­gay sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa unang buwan ng 2019.

Kasalukuyang tumatayong acting secretary ng DICT si Eliseo Rio.

Abante Hiring – IT dep

Inalok ng Pangulo kay Honasan na pamunuan ang DICT para mapabilis ang pagkilos ng mga plano sa ahensiya lalo na ang hinihintay na ikatlong player sa telecommunication industry.

Gayunman, sinabi ng source sa Malacañang na wala pang tugon ang senador sa alok ng Pre­sidente.

Matatandaang sa mga naging talumpati ng Pangulo ay hayagan ang kagustuhan nitong magtalaga ng mga mi­litar sa mga bakanteng puwesto sa gobyerno dahil sumusunod agad sa utos at nagagawa ng mabilis at maayos ang trabaho.

Nasa ikatlo at huling termino na ni Honasan sa senado na matatapos ang panunungkulan sa Hunyo, 2019.

Si Honasan ay da­ting opisyal ng Philippine Army at namuno sa ilang kudeta noong panahon ni dating Pa­ngulong Corazon Aquino.

Samantala, nanumpa na kay Duterte ang dalawang bagong miyembro ng gabinete na sina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin, Jr. at Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) Sec. Rolando Bautista sa isang pribadong sere­monya sa Malacañang kahapon.

Pinalitan ni Locsin si Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng Taguig City sa dara­ting na halalan. Huma­lili naman si Bautista kay acting sec. Virginia Orogo.