Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Griffin sasahog kina Durant, Harden, Irving

0 345

Papunta na raw ng Brooklyn si Blake Griffin, ayon sa ulat ng ESPN.

May Big 3 na ang Nets kina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving, sinahugan pa ng Griffin.

Dating lumilipad para mangolekta ng puntos sa ibabaw ng rim si Griffin, binagabag ng injuries at nawala ang high flying acts, pero nitong huli habang nasa Detroit ay kitang umangas ang shooting mula long range.

No. 1 pick noong 2009 si Griffin, 31, nag-average ng 21.4 points at 8.7 rebounds sa career na nagsimula sa Clippers.

Sa 20 games ngayong season sa Pistons, nakakapagsumite ang forward ng 12.3 points bawat laro.

Pero hindi na kailangan ng Nets ng scorer dahil anumang sandali at saanmang sulok ng court ay makakapag-deliver alinman kina Durant, Irving at Harden na tulad ni Griffin ay All-Stars din. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.