Una sa Balita

Griffin, Drummond, Rose magpapasakit ng bumbunan

0 475

Key Players: Blake Griffin, Andre Drummond, Reggie Jackson, Luke Kennard, Langston Galloway

Roster: Joe Johnson, Thon Maker, Bruce Brown, Svi Mykhailiuk, Khyri

Thomas

Key Additions: Sekou Doumbouya (15th overall pick in 2019 Draft), Deividas Sirvydis (37th overall pick in 2019 Draft), Jordan Bone (57th overall pick in 2019 Draft), Derrick Rose, Tony Snell, Markieff Morris, Tim Frazier, Christian Wood, Louis King, Donta Hall, Todd Withers

Rank: 8th

Last Season’s Record: 41-41

Head Coach: Dwane Casey

RARAGASA muli ngayong season ang Detroit Pistons para makabalik sa playoffs ng paparating na 2019-2020 NBA season.

Nagtapos sa ikawalong puwesto ang Pistons noong nakaraang season ngunit winalis ng Milwaukee Bucks sa first round playoffs (0-4).

Ngayon na nadagdagan pa ng mga beterano at athletic na rookies, hindi na papaawat pa ang Detroit Pistons.

Kasama pa rin sina ace player Blake Griffin na may average na 24.5 points, 7.5 rebounds, 5.4 assists at Andre Drummond na may 17.3 points at 15.6 rebounds, asahan na kakayod muli ang dalawa.

Papasiklab rin para sa Pistons ngayong taon sina rookies Sekou Doumbouya na 15th pick, Deividas Sirvydis na 37th pick, Jordan Bon na 57th pick at veterans Derrick Rose, Tony Snell, Markieff Morris at iba pa.

Matatandaan na winindang ni Rose ang liga nang magtala ito ng career high 50-point performance noong nasa Minnesota Timberwolves pa ito kontra Utah Jazz noong nakaraang season.

Asahan na malaking leadership rin ang maitutulong ni Rose at iba pang nadagdag sa koponan para sa panig ng Detroit. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy