Una sa Balita

Griffin ‘di makakalaro? Giannis, Bucks aariba

0 310

ATAKENG PANG-MVP!

LUNES (araw sa Manila) ay uumpisahan na ng NBA-best Milwaukee Bucks ang kampanya sa postseason laban sa Detroit Pistons.

No. 1 sa East ang Bucks (60-11), No. 8 ang Pistons (41-41).

Hindi pa sigurado kung makakalaro ang star forward ng Detroit na si Blake Griffin dahil sa nananakit na kaliwang tuhod.

Kagandahan ay may extra rest ang Pistons, may two days off din bago ang Games 2 at 3.

Hindi na naglaro si Griffin sa season finale ng Detroit kontra New York noong Miyerkoles.

Sumalang siya ng 75 games ngayong season, pinakamarami niya sapul noong 2013-14 habang nasa LA Clippers pa.

Pinaglaruan ni Gia­nnis Antetokounmpo at ng Bucks ang Pistons sa kanilang season series, 4-0.

Ngayon lang ulit naka-60 wins ang Milwaukee sapul noong 1980-81.

Winalis ng NBA highest scoring team ang Detroit sa unang pagkakataon, nag-ave­rage ng 114.5 points per game.

Konsolasyon ng Pistons, 4-0 sila sa Bucks sa postseason.

Mapapalaban ang 7-foot big man ng Milwaukee na si Brook Lopez kay Detroit center Andre Drummond.

NBA leader sa rebounds si Drummond, humahablot ng 15.6 bawat laro.

Si Lopez ay madalas umoopensa sa perime­ter, tumitira ng 3s.

Pero sakit ng ulo ng Pistons pa rin si Antetokounmpo, malakas na kandidato sa MVP ang Greek Freak.

May Khris Middleton pa ang Bucks.

Day-to-day si Griffin, mapipiga ng Detroit si Luke Kennard. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy